Local News

Helper, patay matapos tumalon sa sinasakyang truck sa Tabaco City

Patay ang isang helper matapos tumalon sa sinasakyang service truck sa National Road Sitio Namutnga, Brgy. Buhian, Tabaco City, Albay habang nagtamo naman ng minor injury ang driver ng nasabing sasakyan.

Kinilala ang nasawi na si Renan Solano Lucentales, 26 anyos at residente ng Guinobatan, Albay habang ang driver ay si Alfie Montalbo Perdigones, 29 anyos at residente ng Brgy. Sta. Cruz, Polangui, Albay.

Sa inisyal na ulat, binabaybay ng mga biktima ang kahabaan ng kalsada sa lugar kung saan sa hindi inaasahan ay nawalan ng preno ang kanilang sinasakyan.

Dahil sa nangyari ay isa sa mga ito ay biglang tumalon mula sa truck, kung saan nahulog sa kalsada at nagtamo ng pinsala sa ulo.

Isinugod ang biktima sa Ziga Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival (DOA) ng attending physician.

BNFM Legazpi

Recent Posts

Mayor at Vice Mayor ng Antique – nagsuntukan

Pumagitan na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos mauwi sa suntakan sa…

3 mins ago

Employment rate sa Bicol region nasa 93.6 %-DOLE Official

NAGA CITY –Hinahangad ngayon Department of Labor and Employment –Bicol na tumaas pa ang employment…

9 mins ago

Panawagan ni PBBM sa pag-review sa sahod ng mga minimum wage earners sa bansa, nararapat lang ayon sa NAPC

Naniniwala ang National Anti-Poverty Commission o NAPC na nararapat lang ang panawagan ni Pangulong Bongbong…

16 mins ago

Mga atletang Catandunganon na makakakuha ng gintong medalya sa Palarong Bicol 2024, makakatanggap ng brand new shoes sa kanilang gobernador

BNFM Bicol- Makakatanggap ng Brand New Shoes ang mga atletang Catandunganon na makakasungkit ng gintong…

17 mins ago

Halos 4k na mga PNP personnel sa Bicol, idineploy sa Labor Day

LEGAZPI CITY - Aabot sa halos 4,000 o kabuuang bilang na 3,813 PNP personnel sa…

22 mins ago

Pamunuan ng Brgy. Kalaklan nananawagan sa sinumang nagmamay-ari ng bumaluktot na poste sa may parola

Nananawagan ngayon ang pamunuan ng Brgy. Kalaklan, Olongapo sa sinumang kompanyang nagmamay-ari ng poste na…

41 mins ago