Helper sa Cauayan City, arestado matapos maaktuhang kumukuha ng krudo sa isang tanke ng truck

Arestado ang isang 19-anyos na lalaki matapos maaktuhang kumukuha ng krudo sa isang tanke ng truck na pagmamay-ari mismo ng kaniyang amo sa Brgy. San Fermin Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang supek na si Ariel Malikdem, 19-anyos, isang helper na residente ng Barangay Minante 1.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, nakita umano ni Juanito Pilar, isang tricycle driver si Malikdem na kinakargahan ang dala nitong slim container ng krudo mula sa tanke ng truck na nakaparada malapit sa Baragay Hall ng San Fermin.

Agad namang ini-report ni Pilar sa mga nagpapatrolya na barangay tanod ang kaniyang nasaksihan kung saan naharang nila si Malikdem lulan ng isang motorcycle at nakumpiska ang 2 container na naglalaman ng krudo.

Idinala ng mga rumespondeng barangay tanod ang suspek sa barangay hall ng San Fermin kung saan kinumpirma ng biktimang nagmamay-ari ng truck na sa kanila namamasukan si Malikdem.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng PNP Cauayan si Malikdem para sa karagadang dokumentasyon na nahaharap sa kasong qualified theft.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *