Hepe ng Rizal – Palawan Police, tinangkang saksakin

Muntik nang masaksak sa isang police operation ang Chief of Police ng bayan ng Rizal, Palawan na si Police Major Thirz Starky Timbancaya nitong nakaraang Sabado.

Naganap ang insidente habang nagsisilbi ng warrant of arrest ang grupo ni Timbancaya sa Barangay Panalingaan.

Ayon sa hepe, subject umano ng warrant of arrest ang lider grupo na may kinalaman sa chop-chop na bangkay ng isang tao, ilang buwan na ang nakakalipas.

Paliwanag ng nakasaksak na siyang tauhan ng salarin, napagkamalan daw niyang kaaway ng amo ang mga pumasok na pulis.

Samantala, maswerteng hindi nasugatan ang hepe; habang arestado naman ang suspek na nahaharap sa attempted murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *