Herlene Budol, kinoronahan bilang Miss Philippines Tourism 2023 sa Miss Grand PH

KINORONAHAN ang actress, comedian, at social media star na si Herlene Nicole Budol, matapos makuha ang titulo bilang Miss Philippines Tourism 2023.

Nakuha niya ang titulo sa Miss Grand Philippines 2023 pageant na ginanap sa Mall of Asia Arena nito lamang Huwebes,July 13.

Hindi man nagwagi at nasungkit ni Herlene ang main crown sa nasabing pageant naging markado naman ang kaniyang performance para sa swimsuit at evening gown competition.

Naghiyawan naman ang mga manunuod sa Q and A portion matapos sagutin ni Herlene ang tanong sakanya sa wikang Filipino at gumamit rin ito ng ‘interpreter’.

Apela niya sakanyang mga bashers,  “Por da love lang ang person wag ng por da bash. Nababaliw na ako. Nobody’s perfect”.

Matatandaan, naging kontrobersiyal kamakailan ang O&A performance sa Press Presentation ng Miss Grand Philippines 2023 ni Herlene na humakot ng isang katerbang basher.###JONADEL GALLEGO,Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *