International

Higanteng aquarium na naglalaman ng 1,500 na mga exotic fish, sumabog sa Berlin, 2 katao nasugatan

Isang aquarium na may taas na 46 na talampakan ang sumabog sa Berlin na ikinasugat naman ng hindi bababa sa dalawang tao.

Matatagpuan ang AquaDom aquarium sa Radisson Collection hotel sa Berlin.

Sinabi ni Berlin Mayor Franziska Giffey , nasa 100 mga bumbero ang dineploy sa lugar kung saan humigit-kumulang 1 milyong litro ng tubig ang tumagas mula sa AquaDom na may humigit-kumulang 1,500 exotic fish.

Ayon sa mga nananatili sa hotel, parang earthquake umano ang kanilang naramdaman at nagulat sa naganap na kaguluhan.

Sa kagustuhan na mailigtas pa ang ilang isda, kumuha pa ang mga tauhan nang maliit na gallons ngunit hindi rin nagtagumpay dahil sa sirang linya ng kuryente.

Hindi pa rin malinaw kung ano ang naging sanhi ng pagsabog ng aquarium ng AquaDom.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

13 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

13 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

13 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

14 hours ago