High Blood, Pneumonia at iba pa karaniwang sakit na  nadidiskubre sa PhilPEN sa Calabanga, Camarines Sur

NAGA CITY – Tatlong araw na lamang ang natitira para isinasagawang Philippine Package of Essential Non-Communicable Disease Interventions o PhilPEN Risk Assessment na inaasahang magtatapos ngayong araw ng Biyernes Marso 31 , 2023.

Inaasahan ng Department of Health Bicol na makuha ang target participants sa Camarines Sur, kaya puspusan ang ginagawa ng mga health personnel pati na rin ang mga barangay opisyal.

Sa Barangay Sabang, Calabanga, nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Barangay Kagawad Marilyn Haya at sinabi niyang maganda ang turn-out ng risk assessment na ginagawa nila dahil sa nakikipag-cooperate naman ang kanilang mga residente.

Mula sa edad 20 pataas ay isinailalim sa health intervention ng kanilang barangay health personnel.

Batay sa pahayag ni Haya,mayoriya sa mga sakit sa kanilang lugar ay ang high blood, pulmonya, mga batang kulang sa timbang at mga bansot.

Hindi rin aniya nawawala ang lagnat, ubo at sipon sa mga bata, buntis at mga senior citizens.

May mga gamot namang agad na inihahanda ang health center nila para sa mga may sakit.        

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *