National

‘High caliber PLLO sagot sa “bill vetoing-spree” ni Pangulong Marcos’ – Chiz

Naniwala si Senator Chiz Escudero na ang pagtalaga sa isang “high caliber Cabinet member” ang sagot sa sunod-sunod na pag-veto ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga panukalang batas.

Ayon kay Escudero maiiwasan ang tinatawag niyang “bill vetoing-spree” ng Malacanang kung mayroong epektibong point person na mag-uugnay sa Palasyo at Kongreso sa pagkamit ng legislative agenda ng punong ehekutibo.

May mahalagang papel umano ang PLLO head para magkaroon ng maayos na ugnayan ang executive at legislative branches ng gobyerno.

Dagdag pa ng mambabatas buwan, oras at ilang milyon piso ang nagastos sa pagpanday nga panukalang batas subalit nababalewa lamang dahil sa mga unutil na na PLLO.

Nabatid sa isang buwan panunungkulan ni Marcos Jr., aabot na sa limang panukalang batas ang iveneto nito kabilang na ang tax exemption sa mga honoraria ng teachers na nagsisilbi tuwing eleksiyon.

BNFM Makati

Recent Posts

Ilang residente sa Canada, apektado dahil sa isang malawakang wildifire

Hinihimok ng mga awtoridad ng Canada ang lahat ng natitirang residente sa British Columbia na…

3 mins ago

Japanese Nat’l na wanted sa kasong rape, arestado sa Parañaque

Nag-iintay na ng kanyang deportasyon ang isang wanted na Japanese national matapos maaresto ng mga…

7 mins ago

QCPD, muling nagsampa ng panibagong kaso laban sa ilang miyembro ng MANIBELA

Muling nagsampa ng kasong kriminal ang Quezon City Police District laban kay Manibela Chairman Mar…

10 mins ago

6 na mangingisda na-rescue, matapos lumubog ang kanilang bangka

Kinilala ang mga na-rescue na sina Arnel Sevilla, Jondle Sevilla, Joan Infante, Ricky Sevilla, Elmer…

7 hours ago

BIDAktas naging madinaeag-on

Naging madinaeag-on ro ginpatigayun nga Buhay Ingatan, Droga'y Ayawan (BIDA) Program o BIDAktas (A Walk…

10 hours ago

Pinasahe nga bueak, nadiskubre sa Madalag, Aklan

Sangka pinasahe nga higanteng bueak nga ginatawag nga Rafflesia lobata ro nakita it team it…

14 hours ago