High profile cases ng hacking sa govt website, na-trace sa Bamban complex

Labis umanong nababahala si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros sa kamakailang impormasyon na kanyang natanggap tungkol sa Bamban complex sa Tarlac.

Ito ay matapos lumabas na traceable sa lugar na ito ang mga iba’t ibang high profile cases ng hacking sa mga government website.

Maliban pa roon, ayon sa intelligence community, ginagamit din umano ang nasabing complex sa mga surveillance activities.

Samantala, ipinunto rin ng senadora na ang Pilipinas na ang ‘fastest growing hotspots for scams’ sa buong mundo.

Anya, kung hindi ito mabibigyang-pansin ay maaring maharap sa threat sa national security ang Pilipinas pagdating ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *