High ranking CPP-NPA Member sa Iloilo, patay, matapos manlaban sa mga otoridad

Patay ang isang high ranking CPP-NPA Member matapos manlaban umano sa mga operatiba ng CIDG6 at Pavia Municipal Police Station sa Pavia, Iloilo.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gervacio Balmaceda, chief ng CIDG 6, nakilala ang biktima na si Reynaldo Bocala, sa legal na edad, asawa ni NDFP peace consultant Maria  Concepcion “ Ka Concha Araneta Bocala”.

Si Reynaldo Bocala ay may kasong murder, destructive arson with physical injury ag destructive arson with frustrated homicide.

Ayon sa PNP, nag pakilala naman sa subject person na sila ay mga otoridad subalit nag tago umano ito .

Unang nag pa putok ng baril ay kasama nitong si  Welly Arguelles Epago kaya’t rumisbak ang  mga kapulisan.

Samantala, wala namang nasugatan sa ingkwentro sa panig ng CIDG6 at Pavia Municipal Police Station.//MARIVIC Y. ILIN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *