CAMARINES NORTE – Napatay sa ikinasang buy-bust ang isang lalaking kabilang sa listahan ng Regional Level High Individual (HVI) ng PNP
Ikisana ang naturang operasyon sa pinagsanib pwersa ng mga otoridad dakong 10:40 ng gabi nitong Hulyo 23, 2021 sa Purok-5, Barangay Talobatib, Labo, Camarines Norte.
Ang napatay na suspek ay nakilalang si REY ESGUERRA a.k.a. Rey, residente ng Barangay Alawihao, Daet, Camarines Norte na kabilang sa Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs ng PNP.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, nakabili kay ESGUERRA at isa pang kasamahan nito na si alyas MUSLIM ang operatiba na umaktong poseur buyer ng isang (1) piraso ng malaking zip lock transparent plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na sangkap na hinihinalang “shabu” na nagkakahalaga ng Isang Daan at Limampung Libong Piso (Php150,000.00) gamit ang isang (1) piraso ng Isang Libong Piso (Php1,000.00) at Isang Daang Limampung (150) piraso ng pekeng Isang Libong Piso (boodle money).
Gayunman, nang mapansin ng mga suspek na sila ay nakikipagtransakyon sa pulisya, agad na hinugot ni ESGUERRA ang kanyang baril at pinaputokan ang operatiba ng pulisya, na naghudyat naman dito para ipagtanggol nito ang kanyang sarili at mabilis na pinaputukan ang nasabing suspek na tinamaan sa katawan nito na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Samantala, ang kasamahan nito na nakilalang si alyas MUSLIM ay mabilis na nakatakas sa nasabing operasyon at kasalukuyang pinaghahanap pa ng mga otoridad.
Agad na tumawag ng tulong mula sa Camarines Norte Provincial Crime Laboratory Office CNPCLO (SOCO) Team ang mga operatiba upang maiproseso ang lugar ng pinangyarihan kung saan nakuha ang mga sumusunod na ebidensya:
Ang mga labi ng biktima ay isinailalim sa Autopsy/Post Mortem Examination.
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…