Umaabot sa mahigit 35,000 pesos na halaga ng hinihinalang Shabu ang nakumpiska ng mga otoridad mula sa dalawang umano’y tulak sa ikinasang buy-bust operation sa sa Brgy. Lecheria, Calamba City, Laguna.
Ang mga naarestong suspek ay kinalalang sina alyas “Maricel” at “Aying”, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay PLt. Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba City Police Station, aktong nahuli ang dalawang nagbebenta ng hinihinalang Shabu sa mga pulis na nagkunwaring mga poseur-buyer.
Nakumpiska mula sa dalawa ang apat na piraso nga plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang Shabu na may timbang na humigit kumulang 5.2 gramo.
Tinatayang umaabot ang halaga nito sa 35,360.00 pesos.
Nakuha rin ang 500 pesos na buy bust money at dalawang piraso na 100 pesos.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.
LEGAZPI CITY – Arestado an 30 anyos na lalaki na kairibahan sa listahan kan drug…
LEGAZPI CITY – Nairehistro sa banwaan kan Tiwi an pangaduwang kaso nin African Swine Fever…
Nakumpiska sa mga sakop sa Davao City Police Office (DCPO) ang kapin tunga sa milyon…
LEGAZPI CITY – Nakatalaan nang ikondusir sa maabot na Sabado, Mayo 11 an District Election…
LEGAZPI CITY - Tinatayang nasa 200,000-250,000 na mga bagong botante ang inaasahang maidaragdag sa listahan…
LEGAZPI CITY - Gaganapin ngayong araw ang kauna-unahang Magayon Festival Paramotor Airshow o paragliding sa…