Higit ₱35,000 na droga, nakumpiska sa Calamba City, Laguna

Umaabot sa mahigit 35,000 pesos na halaga ng hinihinalang Shabu ang nakumpiska ng mga otoridad mula sa dalawang umano’y tulak sa ikinasang buy-bust operation sa sa Brgy. Lecheria, Calamba City, Laguna.

Ang mga naarestong suspek ay kinalalang sina alyas “Maricel” at “Aying”, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Ayon kay PLt. Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba City Police Station, aktong nahuli ang dalawang nagbebenta ng hinihinalang Shabu sa mga pulis na nagkunwaring mga  poseur-buyer.

Nakumpiska mula sa dalawa ang apat na piraso nga plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang Shabu na may timbang na humigit kumulang 5.2 gramo.

Tinatayang umaabot ang halaga nito sa 35,360.00 pesos.

Nakuha rin ang 500 pesos na buy bust money at dalawang piraso na 100 pesos.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *