Higit ₱35K halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa Calamba City, Laguna

Umaabot sa mahigit ₱35,000 na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa umano’y tulak sa ikinasang buy bust operation sa Purok 4, Brgy. Looc, Calamba City, Laguna.

Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang naarestong suspek na si Erwin Tuiza Almadovar alias ‘Erwin’ at residente ng naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon, kumagat sa ikinasang operasyon ng Calamba CPS ang suspek at nakuhanan ng tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 5.2 gramo at nagkakahalaga ng P35,360.00.

Nakuha rin mula sa suspek ang 500 pesos na buy bust money at 300 pesos na pinaniniwalaang drug money.

Nasa kustodiya na ng Calamba CPS ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *