Higit 100 4Ps beneficiaries sa Isabela, dumaan sa pagsusuri

Sumailalim sa special assessment ang mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa Lalawigan ng Isabela.

Ayon sa DSWD Regional Field Office 2, kabuoang 118 4Ps beneficiaries ang sinuri mula sa City of Ilagan, Benito Soliven at San Mariano.

Mula sa nasabing bilang 90 ang mula sa Ilagan, 26 sa Benito Soliven at dalawa sa San Mariano kung saan ang mga ito ang hindi napabilang sa Listahanan 3 database.

Ang mga ito ay personal na pinuntahan ng mga empleyado ng National Household Targeting Section katuwang ang CSWDO, Child Development Workers, Municipal link, LGU at barangay officials.

Tinitignan ng mga ito ang kakayahan ng bawat pamilya sa pamamagitan ng Household Assessment Forms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *