Higit 100 beneficiaries sa Bulacan nakatanggap ng livelihood package

Nakatanggap ng livelihood assistance mula sa Department of Labor and Employment Region 3 ang 116 benipisyaryo sa Bulacan.

Ito ay para sa mga magulang at iba pang solo parents kung saan katuwang rin ang Bulacan Provincial Youth, Sports and Public Employment Service office.

Umabot sa 50 solo parents at 69 na magulang ng child laborers ang nakatanggap ng tulong pangkabuhayan.

Makikita sa mga larawang ipinost ng DOLE Central Luzon na kabilang sa mga ibinigay ay iba’t ibang goods.

Samantala, umabot sa 2.49 million pesos ang kabuuang halaga ng livelihood assistance na ibinigay ng DOLE.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: DOLE Central Luzon

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *