BATANGAS CITY – Nakatanggap ng protection kit para sa Covid-19 ang mahigit sa isang daang residente ng Brgy. Maapaz, Batangas City kahapon mula sa Batangas City police station.
Ang kit ay kinabibilangan ng face mask, face shields at alcohol.
Maliban dito ay namahagi din ang mga pulis ng mga relief goods para sa naturang mga benepisaryo.
Ito ay kinabibilangan ng mga gulay, bigas at ilan pang grocery items.
Ang naturang programa ay sa pangunguna ng Women and Children Protection Desk ng naturang himpilan sa pamumuno ni PEMS Nena Garcia.
Ito anya ay bahagi ng kanilang programang bayanihan para maproteksyunan ang publiko laban sa covid-19. | Mike Salgado
Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na walang kinalaman sa pinalutang na new model…
Hindi mapipigil ang Kamara sa ikakasa nitong imbestigasyon hinggil sa umano'y gentleman's agreement sa pagitan…
NAGA CITY – Nakahanda ang City Health Office na ibigay ang mga maintenance medicine ng…
Patay ang dalawang indibidwal matapos saksakin sa isang isang pagamutan sa southwest China. Naganap ang…
Patay ang isang lalaki matapos tambangan ng tatlong lalake. Kinuha rin ng mga salarin ang…
CAMARINES SUR — Nagkalat ngayon sa kasentruhan ng Tigaon, Camarines Sur ang mga namamalimos na…