Higit 100 residente, nakatanggap ng tulong sa Batangas City

BATANGAS CITY – Nakatanggap ng protection kit para sa Covid-19 ang mahigit sa isang daang residente ng Brgy. Maapaz, Batangas City kahapon mula sa Batangas City police station.

Ang kit ay kinabibilangan ng face mask, face shields at alcohol.

Maliban dito ay namahagi din ang mga pulis ng mga relief goods para sa naturang mga benepisaryo.

Ito ay kinabibilangan ng mga gulay, bigas at ilan pang grocery items.

Ang naturang programa ay sa pangunguna ng Women and Children Protection Desk ng naturang himpilan sa pamumuno ni PEMS Nena Garcia.

Ito anya ay bahagi ng kanilang programang bayanihan para maproteksyunan ang publiko laban sa covid-19. | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *