Higit 1000 hectares na taniman sa So.Cot, napinsala ng baha

KORONADAL CITY- UMABOT sa 1,021 na ektarya ng taniman ng mais, palay at mga high value crops sa 57 mga barangay sa lalawigan ng South Cotabato ang nasira dahil sa baha at malakas na buhos ng ulan noong nakaraang linggo..

Batay sa damage report ng Provincial Agriculture Office noong Mayo 31, apektado ng kalamidad ang 578 na mga magsasaka.

Matinding naapektuhan ng kalamidad ang bayan ng Surallah kung saan umabot sa 617 hectares ang napinsala.

Maliban sa mga taniman, may mga alagang hayop din na naapektuhan tulad ng manok, pato, baka at mga fishpond.

Samantala, nasa 230 hectares naman ang napinsala ng pagbaha sa bayan ng Norala, 75.65 hectares sa Banga, 68.35 hectares sa T’boli at 29.75 hectares sa bayan ng Lake Sebu.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang assessment ng Provincial Agricultures Office at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa danyos dulot ng  pagbaha at pamimigay ng ayuda sa mga apektadong residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *