Higit 100K residente sa Russia at Kazakhstan, nakaranas ng malawakang pagbaha

Inatasan ng Russia at Kazakhstan ang mahigit 100,000 katao na lumikas matapos ang mabilis na pagtunaw ng niyebe na bumalot sa malalaking ilog, na nagdulot ng malawakang pagbaha sa lugar sa loob ng hindi bababa sa 70 taon.

Lubos na naapektuhan ang mga naninirahan sa ral Mountains, Siberia at mga lugar sa Kazakhstan na malapit sa mga ilog gaya ng Ural at Tobol.

Umabot na sa 9.31 metro ang antas ng tubig sa Ural River sa Orenburg, na lumagpas na sa critical level na 9.30 metro.

Kinokonsidera ang Ural na pangatlong pinaka mahabang ilog sa buong Europa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *