Mahigit 15 katao arestado sa hindi pagsusuot ng facemask sa Bacacay Albay

LEGAZPI- Mahigit 15 katao ang inaresto ng mga kapulisan matapos na mahuli sa aktong hindi nagsusuot ng Facemask sa pampublikong lugar sa bayan ng Bacacay Lalawigan ng Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Chief of police PMAJ Michael P Lorilla , Officer-in-Charge ng Bacacay Municipal Police Station, napag-alaman na hindi sila nagkulang sa paalala sa mga nasabing violators ngunit sadyang matitigas umano ang ulo nito.

Ilang beses na rin umano sila nagbigay ng konsiderasyon ngunit lumalabag pa rin sa mga Minimul health protocols kontra covid-19.

Aniya, isa din sa ginawa nilang kapamaraanan ay ang pagbibigay ng libreng facemask para mahiya umano ang mga ito at walang rason para hindi magsuot ng facemask.

Ayon pa kay Lorilla, hindi nila ito kinulong dahil ayon sa batas titicketan lamang o bibigyan ng karampatang multa ang mga lalabag.

Ang ilan sa mga nahuli ay menor de edad kung kaya pinauwi na lamang ito at binigyan ng warning. samantalang ang ilan sa mga nasa edad na ang nagmulta.

Samantalang pakiusap rin ng nasabing tanggapan na huwag isabahala ang pagsunod sa mga pinapatupad na protocol ng gobyerno para sa kaligtasan ng lahat ngayong pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *