Higit 15,000 scholarship slots, bubuksan ng TESDA 12

KORONADAL CITY- NASA mahigit 15,000 na mga scholarship slots ang bubuksan ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Region 12.

Inihayag ni TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II na ang mga programa ng TESDA ngayong taon ay sesentro sa agrikultura, construction, tourism at iba pa kasabay ng pagbangon sa epekto ng pandemya.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Abrogar ang mga gustong makabenepisyo sa mga scholarship programs na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na TESDA provincial office sa kanilang lugar.

Nanawagan naman ang opisyal sa mga scholars na tapusin ang programa na kanilang pinasukan upang hindi masayang ang budget na inilaan para dito.

Ang mga programa ng TESDA ay bukas sa lahat maging sa mga PWD, former rebels, IP, at mga Person Deprived with Liberty.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *