Local News

Higit 17k indibidwal sa Quezon province, inilikas dahil sa Bagyong Jolina

Nasa mahigit 17 libong indibidwal ang apektado sa lalawigan ng Quezon dahil sa pananalasa ng Bagyong Jolina nitong Miyerkules, Setyembre 8.

Sa eksklusibong panayam ng Brigada News FM Lucena kay Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Head, Dr. Melchor Avenilla, Jr., nasa 4,513 ang pamilya o di bababa sa 16,855 na indibidwal ang inilikas.

Pinakamaraming inilikas sa ikatlo at ika-apat na distrito maging sa sentro ng lalawigan.

Ayon kay Dr. Avenilla, maswerte ang Quezon dahil hindi binaybay ng bagyo ang probinsya taliwas sa naunang pagtataya na posibleng magland-fall ito sa mga dulong bayan ng Bondoc Peninsula Area.

Dagdag pa niya, wala pang naitatalang casualty sa ngayon kundi ilang infrastructure damage na hanggang ngayon ay bineberipika pa rin ng DPWH, Provincial Engineering Office at mga lokal na pamahalaan.

Patuloy pa rin ang pagasasagawa ng PDRRMO ng rapid damage assessment sa mga bayan at syudad sa Quezon lalo na sa aspeto ng agrikultura kung saan maraming mga palayan at pananim ang nasira ng bagyo.

Kasalukuyang balik operasyon na ang mga passenger at cargo vessels ng iba’t ibang pantalan na biyaheng Marinduque, Alabat Islands, Polillo Group of Islands at iba pang kalapit isla.

Nanawagan naman ang PDRRMO sa mga ka-lalawigan na maging handa sa lahat ng pagkakataon dahil ang mga nalalabing buwan ng 2021 ay panahon ng bagyo at ng monsoon winds na siyang dahilan ng patuloy na pag-uulan sa lalawigan.

Asahan naman ang maganda at mainit na panahon sa araw na ito sa probinsya ng Quezon. | via Brian Zagala, BNFM Lucena

BNFM Lucena

Recent Posts

Gender reveal ng magkasintahang miyembro ng LGBT, kinakiligan ng mga Netizens

Kinakiligan ng mga netizens ang viral gender reveal party ng magkasintahang sina  Denzel Batocabe at…

16 mins ago

SSS humihingi ng listahan ng mga business establishment sa mga LGU para matiyak na sumusunod ang mga ito sa batas

CAMARINES NORTE - Inihayag ng Social Security System (SSS) na sinisiguro nito ang compliance sa…

24 mins ago

Job order employees at Contract of service workers hindi kasama sa issuance ng CSC sa flexible work arrangement

CAMARINES NORTE - Nilinaw ng Civil Service Commission na hindi kasama sa Flexible Work Arrangement…

26 mins ago

Orange and Lemons at Francine Diaz, nagka-ayos na

Nagkapatawaran na ang aktres na si Francine Diaz at ang bandang Orange at Lemons, kasunod…

28 mins ago

Dating Gilas Youth player na si Jacob Bayla, nag-commit na sa UP

Nag-commit na ang dating Gilas Pilipinas Youth standout na si Jacob Bayla sa Unibersidad ng…

32 mins ago

Ukraine President Zelensky, inilagay sa wanted list ng Russia

Nagkahain ng criminal case ang Russia laban kay Ukraine President Volodymyr Zelensky at inilagay din…

35 mins ago