Higit 1KM bahagi ng bypass road sa Subic at Olongapo, inumpisahan nang gawin

Nabuksan na ang higit isang kilometrong bahagi ng ginagawang bypass road na magdudugtong sa Olongapo at bayan ng Subic.

Ito ay ang entrada ng kalsada mula sa Barangay Naugsol papuntang Sto.Tomas na parehong nasa Subic, pasok sa phase 1 ng road construction.

Ayon kay Engr.Sammy Bilog ng DPWH 2nd Engineering District, sa darating na taon ay bubuksan na rin ang phase 2 mula Barretto hanggang Sto.tomas at ang phase 3 mula Kalaklan, Olongapo hanggang Barretto.

Tinatayang aabutin lang ng dalawa hanggang tatlong taon ang 4-lane road project na ang dalawang bahagi ay pinondohan ng 200 million pesos ngayong 2024.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *