Higit 20 mga Chinese at Vietnamese vessels, pinalibutan ang ilang isla san Palawan at WPS

Higit 20 mga Chinese at Vietnamese vessels ang natagpuang nakapalibot sa Sabina at Ayungin Shoals, at Pag-asa Island sa Palawan ngayong araw.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nagsagawa sila ng maritime patrol mission sa Kalayaan Island Group (KIG) kung saan nila namataan ang ilang mga foreign-flagged vessels kasama na ang China Coast Guard Vessels (CCGVs), at People’s Liberation Army-Navy (PLAN) Type 056A Jiangdao II Class Missile Corvette.

Matapos ito, nag-issue umano ng mga radio challenges ang PCG, ngunit wala itong nakuhang response mula sa mga cornered vessels. Bukod dito ay nag-deploy na rin ang grupo ng Rigid-hull Inflatable Boats (RHIBs) upang lumayo ang mga foreign ships sa paligid ng isla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *