Higit 20 mga Tatay posibleng benepisyaryo ng ERPAT progam ng MSWDO Siruma

NAGA CITY – Mahigit 20 mga Tatay na mas nangangailangan ng tulong sa bayan ng Siruma, Camarines Sur ang posibleng maging benepisyaryo sa inaayos o inu-organisang ERPAT o Empowerment Reaffirmation Paternal Program ng Municipal Social Welfare and Development Office ng bayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Nancy Quiros, Head ng MSWDO Siruma, ito ay para lamang aniya sa mga tatay na walang-wala sa buhay.

Bawat isa ay makakatanggap ng ₱2,000.00 o ₱3,000.00 bilang puhunan pang negosyo, tulad ng pambili ng gamit sa pangingisda o babuyan.

Maliban sa matulungan ang bawat ama ng tahanan nais rin ng opisina na maging aktibo sila sa mga programa lalo na karamihan ng mga tatay ay hindi naman talaga napapansin dahil halos lahat na lang ay para sa mga nanay o mga babae.

Ayon pa sa opisyal bagamat hindi gaanong malaki ang pondo para sa programa, hindi naman ito hadlang lalo na ang mismong DSWD tuloy ang pagbibigay ng mga livelihood program sa bawat pamilyang nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *