Natanggap na ngayong araw ng nasa 2,013 na benepisaryo ng TUPAD sa Tumauini, Isabela ang kanilang cash assistance mula sa Department of Labor and Employment.
Personal na ibinahagi ni Secretary Silvestre Bello III kasama sina Municipal Mayor Arnold Bautista, Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na pinangunahan ni Vice Gov. Bojie Dy, LPGMA Partylist, Cong. Tonypet Albano at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Tumauini ang pamamahagi ng naturang mga cash assistance.
Ayon kay DOLE Sec. Bello III, bawat benepisaryo ng TUPAD ay makatatanggap ng 3,700 cash assistance at bigas mula sa PGI.
Pinasalamatan naman ni Vice Gov. Dy ang suporta ng DOLE at National Government na ibinibigay sa lalawigan ng Isabela na nakatutulong sa mga Isabeleño.
Pinuri naman ng bise gobernador ang mga programa at proyekto ng LGU ng Tumauini at tiniyak ang suporta ng PGI upang mas mapalago pa ito.
Kasabay ng nasabing aktibidad ay namahagi rin ang LPGMA Party list ng mahigit 2,381 na monoblock chairs sa mga barangay ng Tumauini Isabela at personal na tinanggap ito ng mga barangay officials.
Boluntaryong sumuko ang negosyanteng si Cedric Lee sa National Bureau of Investigation matapos na mahatulang …
Na-rescue sa mga sakop sa Coast Guard District Southeastern Mindanao ang duha ka indibiwal nga…
Kumpirmadong nang may relasyon sa pagitan ng aktor na si Xian Lim at film producer…
Pinangunahan ng gymnast na si Karl Eldrew Yulo ang Philippine Artistic Gymnastics team matapos makapaguwi…
Hindi bababa sa sampu ang nasawi sa katimugang estado ng Rio Grande do Sul ng…
Patay diha-diha dayon ang usa ka lalaki human gipauwanan kinig bala kay matud pa wala…