Higit 26k local absentee votes, na-transmit na sa COMELEC

Naihatid na sa Commission on Elections ang higit sa 26,000 na mga boto para sa local absentee voting.

Sa isang pahayag, sinabi ng COMELEC na 26,396 ballots na ang natanggap ng Comelec Reception and Custody Units.

Sa naturang bilang, pinakamaraming bumoto para sa absentee voting ay ang mga tropa ng Philippine National Police na mayroong 14,281 ballots; 6,934 votes mula sa Philippine Army; at 2,259 mula sa Philippine Air Force.

Samantala, 809 naman ang nakaboto na mula sa mga kawani ng Media; habang 807 ang natanggap na boto mula sa hanay ng Department of Education – kung saan, karamihan sa mga guro ay magsisilbing electoral board sa Mayo a-nueve.

628 votes naman ang nagmula sa mga personnel ng Commission on Elections; at 555 votes mula sa Bureau of Jail Management and Penology.

Sa ngayon, naka-seal at kandado na ang mga balotang ito sa tanggapan ng COMELEC at ita-transfer lamang sa mismong araw ng halalan sa May 9 para sa canvassing.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *