Higit 272k na mga indibidwal sa Region 2, nabakunahan sa 3-day bayanihan bakunahan

Nasa 272, 164 individuals ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa tatlong araw na pagsasagawa ng Bayanihan Bakunahan sa buong lambak ng Cagayan.

Batay sa partial na datos ng Department of Health Region 2, mababa ito mula sa porsyento ng National Vaccination Operations Center Target na 547, 176 kung saan 49.74% lamang ngunit 107.83% naman ng Regional Committed Daily Target.

Mula sa naturang bilang ay 271, 222 rito ang naturukan ng first dose, 51, 887 ang nakatanggap ng second dose at 3, 055 naman ang nabigyan ng booster shots.

Sa tatlong araw ng National Vaccination Days, ang lalawigan ng Isabela ay nakapag-administer ng 121, 083 na bakuna.

Katumbas ito ng 49.17% ng NVOC target at lagpas naman sa bilang ng ipinangakong daily target sa probinsya.

Ayon sa DOH, ang naturang mga datos ay mula sa 89 na mga lokal na pamahalaan na nakapagsumite ng kanilang report sa huling araw ng vaccination.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin umano ang bakunahan sa mga susunod na araw kaya naman hinikayat ang lahat na hindi pa nakatatanggap ng bakuna na magparehistro sa kanilang LGU.

Photo/Isabela PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *