Higit 3,000 barangay officials at workers, nakatanggap ng cash assistance mula DSWD region 2

Nakatanggap ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development Region 2 ang nasa 3,834 na opisyal at workers sa barangay mula sa tatlong bayan ng 1st District, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Isabela Provincial Information Office, ang mga nabigyan ay kinabibilangan ng mga barangay tanod, nutrition scholars, health workers at day care workers.

Ang naturang cash assistance na natanggap ng mga benepisaryo ay mula sa DSWD sa ilalim ng programang Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS).

Binigyan din ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ng bigas ang mga barangay tanod na kabilang sa nabigyan ng cash assistance.

Samantala, ibinahagi naman ni DSWD OIC Regional Director Lucia Allan na ang mga programa ng ahensiya ay direktang nakararating sa mga benepisaryo.

Pinasalamatan din niya ang mga opisyal na patuloy ang ibinibigay na suporta at paglalaan ng pondo upang matiyak ang implementasyon ng kanilang mga programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *