Higit 3000 job vacancies, tampok sa Kalayaan Job Fair ng DOLE 12

KORONADAL CITY- NASA 3,232 na mga job vacancies ang maaaring aplayan ng mga jobseekers sa Soccsksargen region sa isasagawang Kalayaan Job Fair ng Department of Labor and Employment o DOLE sa June 12 sa SM City General Santos.

Inihayag ni DOLE 12 regional director Joel Gonzales na 1,982 sa mga ito ay job vacancies sa lokal, habang 1,250 naman ang job vacancies abroad.

Ang naturang job fair ay lalahukan ng 36 local employers at siyam na mga overseas employment agencies.

Maliban sa job fair, mayroon ding distribution ng government assistance ang DOLE 12 na kinabibilangan ng P 5.8 million na ayuda para sa 633 na mga benepisyaryo ng TUPAD program.

Samantala, mamimigay din ang DOLE 12 ng mga school supplies, hygiene kits at grocery items sa 75 mga child laborers.

Ang Independence Day Job Fair ay may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *