Higit 400 kaso ng pertussis, ikinabahala ng DOH

Nababahala ang Department of Health sa pagtaas ng kaso ng pertussis o whooping cough sa bansa.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, nakapagtala agad ang ahensya ng 453 na kaso sa unang 10 linggo ng taon.

Mas mataas ito kumpara sa 23 kaso na naitala noong 2023 sa kaparehong panahon.

Hinimok naman ni Health Secretary Ted Herbosa ang publiko na tumungo sa mga health center at magpabakuna kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng pertussis sa bansa.

Matatandaang, nagdeklara kahapon, March 21 ang Quezon City ng outbreak ng naturang sakit sa lungsod. Habang sa 25 na mga kaso sa Pasig City, 16 ang kumpirmadong positibo, 8 ang nag-negatibo at 1 ang pending batay sa datus mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *