Higit 500 na aksidente na kinasasangkutan ng e-bike sa NCR, naitala ng MMDA

Umabot sa 556 ang kabuoang bilang ng aksidente na sangkot ang electric bike (e-bike) sa Metro Manila mula Enero hanggang buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon.

Sa nasabing bilang 273 ang sugatan; habang 2 rito ang nasawi.

Batay sa inilabas na tala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang Quezon City ang pinakamaraming kinasasangkutan na aksidente sa e-bike sa bilang na 42.

Sumunod ang Taguig sa bilang na 32, at pumapangatlo naman ang Marikina at Maynila na kapwa nakakuha ng tig-28 e-bike related incidents.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *