Higit 500k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa isang lalaki sa Ibabang Dxupay, Lucena City

Arestado ang isang lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City nitong Miyerkules, Pebrero 21.

Ayon sa police report, alas-2:30 ng madaling araw isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas “Reygan”, 37-anyos, residente ng Brgy. Cotta ng nasabing lungsod.

Nasabat kay alyas Reygan ang mahigit dalawampu’t limang (25) gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyon (₱500,000).

Nasamsam rin ang isang (1) coin purse, isang (1) genuine 1000-peso bill, at siyam (9) na piraso ng 1000-peso boodle money.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *