Higit 7,000 mga sasakyang paso ang rehistro – nasampulan ng LTO

Umabot sa 7,252 ang bilang ng mga ‘delinquent’ motor vehicles ang nahuli at na-impound pa dahil paso na ang rehistro.

Sabi ni Land Transportation Office (LTO) chief Asec. Vigor Mendoza – resulta ito ng agresibong implementasyon ng ‘No Registration, No Travel’ policy ng ahensya.

Nagbabala naman ang hepe ng LTO na mas paiigitngin pa nila ang panghuhuli sa mga ‘di rehistradong sasakyan.

Dahil dito, pinayuhan niya ang mga paso ang rehistro na asikasuhin na ang kanilang mga papeles.

Sa oras na mahuli – may piyansa ang mga ito na P10,000 ang posibleng ma-impound pa ang kanilang mga sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *