Higit 8,000, ganap nang abugado!

Aabot sa higit 8,000 ang mga nakapasa sa 2020/2021 Bar Examinations ngayong taon.

Ito ay sa kabila ng nangyaring sunog sa isa sa mga silid sa gusali ng Korte Suprema.

Ayon sa Korte Suprema, mula sa 11,402 na mga nag-take ng bar, 8,241 ang nakapasa.

Katumbas ito ng 72.28% na passing rate.

Maituturing itong isa sa mga pinkamataas na passing rate sa tala ng Bar – mula sa 75.17% passing rate noong 1954.

Samantala, wala namang inilabas na top 10 ng mga nakapasa ngayong taon; bagkus ay mayroon lamang 14 na nasa ‘excellent list’ habang 761 naman ang nasa ‘exemplary list’.

Ang mga pasok sa ‘exemplary list’ ay ang mga takers na nakakuha ng grado mula 85% hanggang 90%.

Nanguna ang University of the Philippines sa mayroong pinaka-maraming ‘exemplary’ at ‘excellent’ passers na 147 exemplaries at 4 excellent.

Sinundan ito ng Ateneo de Manila University na may 100 exemplary performance.

Ayon kay Associate Justice Marvic Leonen, ito ang itinuturing nilang ‘Biggest Bar Ever’ sapagkat dalawang batch ang nag-take ng examinations dahil na-kansela ang bar noong 2020 dulot ng pandemya.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *