Higit 9k nabakunahan na sa Olongapo

OLONGAPO- Pumapalo na sa mahigit siyam na libo ang bilang mga taga-Olongapo na kabilang sa priority group ang naturukan na ng anti-covid19 vaccine.

Kahapon, base sa update mula kay Public Affairs Chief Anthony Bayarong, nasa 9,135 na ang naturukan.

Matatandaan na sa ngayon ay tuloy-tuloy ang roll-out ng vaccination program ng syudad na ginagawa sa SMX Convention Center.

Isa ito sa pinuri ng Department of Health sa lungsod kung saan may malawak na espasyo para sa isinagawang vaccinate dahil na rin sa pakikipagpartner ng Lokal na Pamahalaan sa pribadong sector.

Samantala, pinasalamatan naman ni Mayor Rolen Paulino Jr ang frontline workers ng lungsod kabilang ang mga vaccinators sa pangunguna ng City Health Office sa pagbibigay nito ng walang humpay na serbisyo ngayong nasa pandemya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo PAO

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *