Higit P350K iligal na droga, nasabat ng Pulis Kasanggayahan noong Abril

Mahigit P350K halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng Sorsogon Police Provl Office (SPPO) sa buong buwan nitong anti-drug operations noong Abril.

Ayon sa pamunuan ng SPPO, ang limang operasyon ay nagbunga ng 51.6728 gramo ng shabu at 2.167 gramo ng Marijuana na nagkakahalaga ng P351, 635. Limang suspek naman ang naaresto.

Hawak din ng Sorsogon PNP ang 10 most wanted person at 52 pang wanted person sa kanilang 62 operasyon.

Arestado rin ang 34 katao na sangkot sa iligal na sugal. Inaresto rin ng pulisya ang dalawang iligal na may hawak ng baril at nakumpiska ang dalawang loose firearms.

Noong buwan ng Marso ay naiulat ng Pulis Kasanggayahan ang pagkasamsam ng P13.8M halaga ng iligal na droga mula sa 7 operasyon nito na nagresulta sa pagkaaresto sa 12 suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *