Higit P4.5-B halaga ng ilegal na droga, winasak ng PDEA sa Cavite

Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa mahigit P4.5 bilyong halaga ng mga ipinagbabawal na gamot sa Integrated Waste Management sa Trece Martires City sa Cavite ngayong araw.

Kabilang ang mga ito sa mga ebidensyang nakumpiska sa mga drug operation na ikinasa ng PDEA at iba pang law enforcement agency sa bansa.

Sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition ang may kabuuang 725 kilos na mga ilegal na droga.

Ang pagsira sa mga droga ay alinsunod sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *