Higit P448K halaga ng iligal na droga, nasabat sa Bacoor City, Cavite

Nasabat ng mga otoridad ang nasa P448,500 na halaga ng iligal na droga mula sa apat katao sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Zapote 4, Bacoor City, Cavite dakong 1:00 ng madaling araw, nitong July 21, 2023.

Kinilala ng Trece Martires City Police Station ang mga suspek na sina alyas Jalil Omar y Macuyag, 21-anyos; Lourie Anthony Lorenzo y Bautista Alias “L.A”, 37-anyos; Kenneth Cristobal Y Leynes, 33-anyos at Criselda Nagal y Picet, 43-anyos, pawang mga residente ng naturang lugar.

Naaresto ang mga suspek matapos maaktuhan ang mga ito na nagbebenta ng iligal na droga sa isang poseur buyer.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong piraso ng selyadong plastik ng hinihinalang shabu na may timbang na 65 gramo na tinatayang aabot sa halagang Php448,500.

Kabilang sa narekober dito ang P1,000, isang kulay brown na pitaka na may lamang P500, digital weighing scale, gunting, dalawang cellphone at isang puting pouch.

Ang mga naarestong suspek ay na sa kustodiya na ng Bacoor City Police na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 O ‘Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *