Local News

Higit P6,000 halaga ng shabu, nasabat sa dating empleyado ng gobyerno

Arestado ang isang dating empleyado ng gobyerno matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng PDEA Region 2 at Appari Police Station sa Brgy. Maura, Aparri, Cagayan kaninang umaga.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PDEA Region 2, kinilala ang naaresto na si Bernado alyas Berns, 37-anyos at residente ng naturang bayan.

Nakumpiska mula rito ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .5 grams na ibebenta sana nito sa isang PDEA agent na nagpanggap bilang poseur buyer.

Bukod dito ay nasamsaman pa si Berns ng isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,800, marked money at isang cellphone.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Aparri ang naaresto para sa tamang disposiyon habang inihahanda ang kaso laban sa kaniya.

BNFM Cauayan

Recent Posts

Babayi, ginbuno han iya live-in partner tungod hin selos

Gintatambal pa ha hospital an usa nga babayi mahuman mag-angkon hin kasamdan an iya lawas…

22 mins ago

21 LGU’s ha Region 8, gintagan hin bag-o nga ambulance han DOH

Gintagan hin bag-o nga mga ambulance han Department of Health Eastern Visayas, an 21 nga…

36 mins ago

Speaker, sisikaping maibaba ng hanggang kinse pesos ang presyo ng bigas sa susunod na buwan

Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez na target nilang maibaba ng sampung piso hanggang kinse…

1 hour ago

Katukuran sa footbridge sa Tagbina Surigao del Sur, Gikahinaman

Gikahinaman sa mga katawhan sa Barangay Quezon, Tagbina, Surigao del Sur ang pagatukurong footbridge human…

2 hours ago

Mga service vehicle ng gobyerno, balak palitan ng electronic vehicle

Balak ni Pangulong Bongbong Marcos na mapalitan ng electric vehicle ang mga service vehicle na…

3 hours ago

Konsehal mihangyo sa mayor sa pagpalit og alcohol breath analyzer

GIHANGYO karon sa Sangguniang Panlungsod (SP) sa GenSan mayor nga mopalit og latest nga alcohol…

3 hours ago