Higit P80M halaga ng ecstasy tablet na isinilid sa isang parcel ng dog food – nakumpiska sa Pasay City

Nasabat ng magsanib-puwersang Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang aabot sa higit P80M na halaga ng hinihinalang ecstasy tablet na isinilid sa isang parcel ng dog food.

Ayon sa BOC-NAIA, nagmula pa sa Netherlands ang dumating na parcel na may lamang ipinagbabawal na droga.

Sa paunang impormasyon ng ahensya, dumating ang walong pakete na naglalaman ng sinasabing illegal na droga nitong Marso dise-nuwebe.

Arestado ang apat na indibiduwal matapos kunin ang isang parcel na tinatayang umaabot sa 50K piraso ng mga ecstasy tablet.

Galing pang Cabanatuan ang isang lalaking inaresto at may kasama pang barangay official nang i-claim ang package.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *