Higit P85M cash assistance, naipamahagi ng DOT sa mga tourism workers na naapektuhan ng covid-19 sa Region 2

Umabot na sa 85.6 million pesos ang halaga ng financial assistance ana ibinaba ng Department of Tourism para sa mga tourism workers na naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa Lambak ng Cagayan.

Batay sa datos na ibinahagi ng DOT Region 2 ang naturang halaga ng financial assistance ay natanggap ng kabuoang 17,127 na mga benepisaryo.

Pinakamarami sa mga ito ang mula sa probinsya ng Isabela na mayroong 8, 296 beneficiaries na katumbas ng 41.4 million pesos.

Sa probinsya naman ng Batanes at Cagayan ay mayroong nabigyan na 7,101 workers na nakatanggap ng cash assistance na 35.5 million pesos.

Ang lalawigan ng Nueva Vizcaya na mayroong 1,090 workers na may katumbas na 5.4 million pesos at ang Quirino na mayroong 640 na katumbas ng 3.2 milyong piso.

Batay parin sa datos ng DOT Region 2, mayroong 9,680 na mga manggagawa mula sa inendorsong tourism enterprises, 7, 584 na miyembro ng community-based tourism organizations at 688 tourist guides.

Sa virtual press conference na isinagawa ngayong araw, sinabi ni DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat na mayroong inilaan para sa ahensya na 3.1 billion pesos sa ilalim ng Bayanihan 2 kung saan ang 3 bilyon dito ay para sa mga displaced workers na mga empleyado ng DOT accredited establishments o negosyo.

Sa pamamagitan ng cash assistance program ng ahensya ay maaring makatanggap ng 5,000 pesos ang bawat tourism workers na nawalan ng trabaho o nabawasan ng sweldo sa pakikipag-ugnayan sa DOLE.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *