Higit sa 100 mga Pilipino sa Gaza, pinayagan nang makalikas ayon sa DFA

Kumpirmado na ang pagtawid ng 134 na mga Pilipinong naipit sa Gaza Strip.

Sa Saturday News Forum, sinabi ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na biniibyan na ng pahintulot ang mga Pilipino doon na makatawid sa Rafah Border.

‘Yun nga lang, hindi pa raw desidido ang lahat ng mga ito, dahil hindi napayagang makatawid ang kanilang mga Palestinong asawa.

Bukas, tatawid na raw ang unang batch na nasa 20 mga Pilipino.

Sa mga susunod na araw din ay mayroong 23 mga Pilipino ang patatawirin sa border.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *