Higit sa 500 wheelchairs nakatakdang ipamahagi sa So.Cot ngayong taon

KORONADAL CITY- TARGET ng provincial government ng South Cotabato na makapamahagi ng 200 na mga wheelchairs sa mga persons with disability o PWD at mga senior citizens sa 1st semester ng taong 2022.

Ayon kay Persons with Disability Affairs Unit o PDAU Head Brian Hervilla na 176 na mga wheelchairs na ang kanilang naipamigay sa mga PWD’s at senior citizens sa iba’t ibang mga bayan sa lalawigan.

Samantala, mahigit sa 300 naman ang target ng mga ito na maipamahagi sa second semester ng taon. Ito ay magmumula sa Barangay Development Fund sa ilalim ng Office of the Governor na pinondohan ng P 1.5 million.

Sa mga gustong maka-avail ng libreng wheelchair, magsumite lamang sa PDAU ng Barangay Certificate of Indigency at whole-body picture para sa validation.

Sa datos ng PDAU South Cotabato, mahigit sa 4,000 ng halos 11,000 na mga PWD’s ay mayroong physical o orthopedic disability.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *