Higit tatlong libong alimasag, pinawalan sa Bancal River sa Botolan

Nag-release ng mahigit tatlong libong mga crablets o alimasag ang Municipal Agriculture Office sa ilog ng barangay Bancal sa Botolan, Zambales.

Ito ay upang magkaroon ng sapat na suplay ng alimasag na maaring mapakinabangan ng mga mangingisda sakaling pwedi nang hulihin at ibenta.

Ang pagpapawala ng alimasag noong November 10 ay sinaksihan ng mga punong barangay at mangingisda ng mga barangay na nasa gilid ng ilog.

Ayon kay Municipal Agriculturist Ramon Dolojan, malaki ang maitutulong ng dispersal ng mga alimasag sa ilog ng Bancal dahil kakalat ito sa magkakalapit na barangay at maraming mangingisda ang makikinabang.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of text that says 'Power Cells Salabat Herbal Mix Ginger Brew Ginseng Gingko Biloba Ginger Lemon Agaricus Mushroom า882 Powver Cells 6IN1 Salabat Herbal Herbal Mix Ginger Brew Power Cells 6IN Salabat Net Content: Sachets damsDecoo_d Ang Power Cells Salabat ay may pinagsamang Ginger, Lemon, Ginseng, Agaricus Mushroom at Gingko Biloba para sa mas mabisa, natural at epektibong pangaraw-araw na tsaa! ww.a www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *