Local News

Hiling na Academic Freeze sa Camarines Norte dahil sa banta ng COVID- 19 hindi pa natatanggap ng DEPED

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Education (DepEd) na wala pa itong natatanggap na komunikasyon hinggil sa hirit ng Sangguniang Panlalawigan na magpatupad ng dalawang Linggong academic freeze sa Camarines Norte dahil sa banta ng COVID- 19.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet, sinabi ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo na hindi pa niya alam sa ngayon kung ano ang nilalaman ng resolusyon pero binigyang diin nito na kung may ipapatupad mang suspensyon ng klase ay magdedepende  ito sa Local Inter Agency Task Force (IATF).

Kailangan lang umanong ipaalam ng Division sa Regional at Central Office kung magpapatupad ng academic freeze o suspensyon ng klase depende sa magiging assessment ng IATF.

Sabi ko nga we have to consult the provincial IATF kung may request or recommendation coming from the Sangguniang Panlalawigan, of course we have to inform the regional office and the central office,” ani Guemo.

“Kung base sa assestment ng IATF na kailangan nating i- accommodate ang resolution ng Sangguniang Panlalawigan, then we have inform the regional office.”

Matatandaang inaprobahan sa SP ang isang resolusyon na humihiling sa DepEd na magpatupad ng dalawang linggong academic freeze o suspensyon ng klase.

Yan ay dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan at posible umanong malagay sa alanganin ang kalusugan ng mga mag- aaral, magulang at guro.

Ang module distribution at retrieval ay magiging dahilan pa umano ng exposure ng mga guro at magulang dahil kakailanganin nilang pumunta sa eskwelahan sa nakatakdang araw.

Samantala, nag adjust na rin umano ng Alternative Work Arrangement ang DepEd upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago