Hinangaan ng mga netizen ang istorya ng pagsusumikap ng isang tatay tricycle driver.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ni Mx. Venn Villanueva, makikita ang isang karatula sa loob ng pampasaherong tricycle, “Naoperahan po ako kaya walang boses pero nakakarinig po. San po tayo? Kung nandoon na po tayo, pakituro na lang po.”

Sinabi sa caption ng uploader na si Venn na sumasaludo siya sa mga “professionals” na tulad ni tatay na sa kabila ng pinagdaraanang suliranin sa buhay ay “todo kayod pa rin para sa pangarap at pamilya.”

Naabot naman ng naturang post ang tricycle driver na si tatay Folegencio Pagarigan at komento niya, “kailangan po kasi para makatulong manlang sa anak kong nag-aaral at pang-gamot na din po…”

Nagpasalamat rin ito sa lahat ng naka-appreciate at nakakaintindi sa kanyang sitwasyon.

Sa ngayon, umabot na sa kulang-kulang 90K reactions at 10K shares ang naturang Facebook post. ### JEREMY LESNIANA
Photo Courtesy: Venn Villanueva

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *