Hindi pagsusuot ng seatbelt kabilang sa mga naitalang violations sa Naga City sa ipinatutupad na one time big time operation

NAGA CITY – Sa nagpapatuloy na One Timer Bigtime Operation ng pulisya sa Naga City, kabilang sa patuloy na nalalabag ng mga driver na nasa jeep ay ang hindi paggamit ng seatbelt habang nagmamaneho, ayon mismo ito kay City Director P/Col. Erwin Rebellon ng Naga City Police Office.

Pahayag ng opisyal, mahalagang may seatbelt ang mga driver pati na rin ang pasahero na nasa unahan ng jeep para na rin sa kapakanan ng mga ito kung may aksidente.

Sa isang panayam kay Rebellon, sinabi nitong hindi lamang sa kawalan ng lisensya at hindi pagkakarehistro ang sentro na kanilang patuloy na ginagawang operasyon, kundi pati na rin sa iba pang mga paglabag sa traffic laws ng mga driver.

Kaugnay nito, kahapon halos lahat ng mga jeep na bumibiyahe palabas ng Naga City ay walang pasahero sa unahan, dahil na rin sa kawalan ng seatbelt.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *