Hindi umano pagpirma o pagpayag ng LGU Naga na magamit ng mga Multi-Sectoral Group ang mga plasa sa lungsod para sa pagdiriwang ng 38th EDSA People Power Revolution Anniversary, binigyan linaw

NAGA CITY – Nilinaw ng Lokal na Pamahalaan ng Naga, ang umano’y hindi pagpirma o pagpayag sa paggamit ng mga Multi-Sectoral Group sa mga plasa sa lungsod kaugnay sa pagdiriwang ng 38th EDSA People Power Revolution Anniversary sa darating na Pebrero 25, na hindi naman pinagbabawalan o hinaharangan, dahil katunayan kahit sinong grupo o indibidwal, ay maaaring makagamit basta’t may permiso lamang mula sa LGU, lalo na’t hindi rin ito eksklusibo para sa iba.

Kaugnay ito sa pahayag na inilabas ng nasabing grupo na sinasadya umano ng Lokal na Pamahalaan matapos na pahintulutan ang Naga City Police Office na maaaring okupahin ang lahat ng plasa sa gagawing Outreach Program sa nasabing araw din, kung saan ito ay klase ng kawalang respeto o pagharang sa kanila na magsagawa ng programa bilang pag-alaala ng demokrasya na dapat umanong marinig ang hinanaing ng bawat isa.

Sa panayam kay City Councilor Joe Perez, Chairperson ng Committee on Culture and Arts, hindi pa niya nababasa ang naturang press release, wala ring kasulatan o request na nakarating sa kanila, at wala ring nagsasabing hindi nila pinapanhitulutan ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *