CAMARINES NORTE – May paalala rin ang ahensiya sa mga consumer upang hindi mabiktima ng bogus online business.
Sa isinagawang virtual Talakayan sa PIA, hinimok ni Alvin Sayno, Head ng Consumer Protection Division ng DTI Camarines Norte ang publiko na maaaring magpaabot ng sumbong sa kanila pamamagitan ng email o sa kanilang facebook page.
Sa katunayan aniya ay marami na rin silang natatanggap na reklamo sa pamamagitan ng kanilang facebook page na nabibigyan naman daw ng solusyon.
Pinag iingat din nito ang publiko sa mga transaction online lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Dapat umanong alamin kung legit ang negosyo at tiyakin na mayroon itong physical address.
Kung wala ay dapat umanong magduda dahil ang legit na nagnenegosyo ay mayroong physical address at alam kung saan hahabulin sakaling magkaroon ng problema.
Pwede rin umanong hanapin sa website ng DTI ang trade name ng negosyo at kung wala ito ay nangangahulugang hindi ito legit.
Sa online shopping naman ay pwedeng makipag ugnayan sa kanilang consumer care hotline.
Hindi mapipigil ang Kamara sa ikakasa nitong imbestigasyon hinggil sa umano'y gentleman's agreement sa pagitan…
NAGA CITY – Nakahanda ang City Health Office na ibigay ang mga maintenance medicine ng…
Patay ang dalawang indibidwal matapos saksakin sa isang isang pagamutan sa southwest China. Naganap ang…
Patay ang isang lalaki matapos tambangan ng tatlong lalake. Kinuha rin ng mga salarin ang…
CAMARINES SUR — Nagkalat ngayon sa kasentruhan ng Tigaon, Camarines Sur ang mga namamalimos na…
NAGA CITY- Problema pa rin sa lungsod ng Naga ang polusyon sa plastik sa kabila…